I planned on writing this entry in an objective manner, but as I started writing, pieces of me resisted the cracking soil. It would be sacrilege on my part to do so. Besides, I read for pleasure first, for curiosity second, and for necessity last. So I indulged my senses, I trusted my gut, I laughed.
But what is funny to me? A better question would be: who could tell what makes a line funny or not? Who could tell why to some, Shakespeare's Falstaff, Mark Twain's nomads, Jane Austine's ironic heroine, Moliere's miser, or Cervantes's eccentric rider, is, to some, funny, and to others not at all?
Perhaps I could apply the objective eyes of Hobbes (we laugh at the defects of others as well as our past selves, providing we transcend it - we feel superior to those we laugh at), Kant (we laugh because our expectation is frustrated - because unrelated objects are mixed), or Freud (we laugh to vent our repressed feelings - to outwit the censors). But I didn't and wouldn't - humor for me, is an art, and not science - prying and poking at the innards of the hyena will halt its laughter.
Doubtless there are those who will cry "trash" to a topic such as this, these are the types who label the likes of Oscar Wilde and Woody Allen as unimportant clowns, branding their comedic wits as trivial pursuits. To dislike this list is the prerogative of the reader, and as such I would respect the taste of each and every individual, but to state that writing comedy is insignificant, is for me an invalid rhetoric. As F. Sionil Jose introducing his fellow National Artist (the short story comic Alejandro Reyes) implied: making the tears fall is as hard in tragedy as it is in laughter.
There is nothing trivial about writing comedy - the writers risk the most in channeling the truth of emotions through mirth. As the reaction of the radical Muslim mob over Danish embassies attest(incited by the infamous Jyllands-Posten cartoons), deflecting anger and protest through laughter is a hit-or-miss affair. But such is the power of humor that a well-delivered comedy has more impact than any litany and sermon that can emanate from long-winded diatribes (e.g. a single comic strip of Dilbert or a single episode of The Office, has more impact to me than any book I've read concerning the pains of living with clueless co-workers).
During a family gathering, I told a story of a superstitious friend who has a habit of spewing one-liner clichés. He is a tall person, and being that way, was prone to bumping his head on low entrances. One such afternoon, witnessing the bump, I blurted to him: "Okay lang 'yan, malayo naman sa bituka" ("It's okay, it's nowhere near the intestine").
As the laughters swirled around the dining table, my teenage sister, in an abrupt tone, cut the revelry: "kuya hindi naman joke 'yan, kasi totoong nangyari" ("brother it's not a joke, 'cause it truly happened"). Everyone's eyes glanced at mine, to which I, smiling at my sister, replied: "Ang joke, kahit na gaano kabaliw at kababaw ay may bahid ng katotohanan." ("A Joke, however crazy and shallow, has a tinge of truth").
BOBONG PINOY
1998. Dahil sa paghahanap ko sa Internet ng isang paksa, aksidente akong napunta sa Bobong Pinoy. Dahil dito, sa kabutihang o kasamaang palad (depende na sa kung sino ang tumitingin), gumugol ako ng pagkarami-raming oras sa opisina at kuryente sa bahay, para lamang malaman kung ano na ang susunod na isusulat ng webmaster ng Bobong Pinoy. Aksidente nga ba? O gaya ng sabi ni Einstein, walang aksidente? Sa paghahanap ko ba'y, sinadya ko talagang makita ang Bobong Pinoy ng hindi ko namamalayan?
Halos mag-iisang dekada na rin ng una kong naisip na: 'sakto ang timing ng mga patawang nakatapak sa lupa, at napakaitim ng background. Nang taon ding iyun, naging usap-usapan sa mga webmaster na magkakaroon ng awarding - gaya ng Webby sa Amerika pero para nga lang sa mga Pinoy. Umugong din ang mga bali-balitang maisasali ang mga kathang may pagka-weird. Dalawang Pilipino ang kagyat na sumagi sa isip ko na maaring lumarawan ng pagkabaliw: si Dino Ignacio at si Bob Ong.
Namangha ako sa abilidad ni Dino Ignacio sa paghahabi-habi ng madalas na'y di pinapansin. Si Bert ng Sesame Street ay madalas ko ng mapanood bilang kontrabida kay Ernie. Palatawa at masayahin si Ernie, si Bert nama'y seryoso, ayaw ng naiistorbo. Madalas nang kinukulit ni Ernie si Bert, na kung saang kunot-noo namang nakukulitan si Bert.
Lumaki ako sa panood ng Sesame Street. Kung mapapanood ko ang mga lumang episode ng Sesame Street ngayon, malamang hindi na ko tablan sa paulit-ulit na skit ni Bert at Ernie. Ginamit ni Dino ang isa sa mga haligi ng komedya, ang eksaheradong pagtukoy sa mga normal, upang maipakita kung bakit at ano nga ba nakakatawa kay Bert. Gamit ang computer, pinagdikit-dikit ni Dino ang mga kuha ni Bert at mga lumang larawang sumasalamin sa masasamang nangyari sa kasaysayan ng tao.
Nariyan ang "ebidensiya" kung saan nakatayo si Bert sa gilid ng isang parada bago mabaril si JFK; nariyan ang kamay ni Bert sa singit ng batang si Michael Jackson; meron ding magkasama sila ni Hitler; at sino nga bang makakalimot kay Kevin Cosner at Bert na magkasama sa pelikulang Postman. Isama mo pa ang mga caption na siguradong patok …
…This shot is taken on the set of "The Postman" when Costner was taking advise from bert on how to act in a post-epocaliptic world.
Hinangaan at binigyan ng parangal ng mga hurado ng 1998 Webby ang ginawa ni Dino (Bert is Evil). Noong taong ding iyun, na kung saan nabuo ang Philippine Web Awards (iba pa ang pangalan noon), nakuha ni Dino ang pa-premyo para sa mga website na may nakakabaliw na tema.
Nakakapanghinyang na pagkatapos manalo ng Webby at PWA ay itinigil na ni Dino ang Bert is Evil. Marami-rami ang nagsulputang kopya, ginaya at dinagdagan ng mga panibagong litrato, ngunit gaya nga ng kasabihang pinoy, "iba pa rin ang orig." At dahil sa isang may masamang balak na Arabong naglabas ng napakalaking poster ni Bin Laden, na kung saan nakasingit si Bert (nakuha daw niya sa Internet, pero sa aking pakiwari'y kakilala din ng Arabong iyun ang gumawa ng collage), sa isang protesta sa Afghanistan pagkatapos na pagkatapos sumabog ang Twin Towers, ay lalo pang sumidhi ang kagustuhan ni Dino na tuluyan ng alisin ang kanyang Bert is Evil sa orihinal nitong kinalalagyan.
Bagama't gaya ni Dino, may pagka-graphic artist din ako, mas nagustuhan ko ang Bobong Pinoy. Nangibabaw ang pagka-pinoy ko sa pagka-graphic artist. Kung tutuusin magkaibang prutas naman talaga ang Bert is Evil sa Bobong Pinoy. Si Dino, gag ang style ng patawa (naalala ko tuloy iyung ibang pelikula ni Woody Allen - ipinatong ang bagong film footage sa luma), kay Bob Ong nama'y socio-political satire. Pareho pa rin silang panalo, si Dino sa mga may-alam na hurado, si Bob Ong nama'y sa botohan ng mga tao (ang People's Choice).
Hindi ko alam kung mabagal lang talaga ang koneksiyon ko noon (kapanahuhan kasi ito na pag binanggit mo ang "broadband" malamang matanong ka ng "may CB ka?") o nagsulputan lang talaga ang mga bumibisita dahil sa People's Choice, pero parang Edsa pag oras ng uwian 'lagi ang usad ng Bobong Pinoy.
'Di kalauna'y lumipat na rin ang katha ni Bob Ong sa bobongpinoy.com. Pero 'di ko ba alam, mabagal pa rin ang pasok. Nakaisip tuloy ako, tuwing lunch o uwian na lang sa opisina ako sisilip (nakakabit kasi sa mismong ISP 'yung PC ko sa opisina). Ilang beses ding hindi na-update ang bobongpinoy.com, hanggang isang araw hindi na ni-renew ni Bob Ong ang naturang site(dahil siguro alam na ng lahat na maglalabas siya ng libro. Mahirap na nga namang umatras sa bagay na naipangako mo na). At di nga 'rin nagtagal, bigla na lang nawalang parang bula ang bobongpinoy.com (huwag mo ng balaking pasukin ngayon, pag-aari na ito ng isang kumpanyang taga-Estonia). Lumitaw din ang Paboritong Website ni Hudas, iyan ang alam kong kauna-unahang blog ni Bob Ong, pero mas maikli pa ang buhay nito sa bobongpinoy.com.
Sino nga ba is Bob Ong? Karamihan ng mga nag-kalat na "sightings" na naglipana sa Internet ay mga kuwentong barbero na nangaling malamang sa mga pinag-pasapasahang mga "sinabi raw." Kung mamarapating niyo akong magdagdag ng opinyon: kung madulas pa sa ahas ang pagtuklas sa tunay na katauhan ni Bob Ong, ito marahil ay dahil sa gumagamit siya ng nom de plume (Ang Bob Ong na pangalan para sa akin, ay biniyak na salitang Bobong, na nagmula sa pamagat ng dati niyang site, at sumasalamin sa ating pinagsamasamang kahinaan bilang Pilipino).
Pero bakit pa kailangang gumamit ng Alias? Pag tinanong mo ang tanong na ito, malamang hindi mo alam ang sagot - kabaliktaran kasi ng tanong ang balak gawin ng pseudonym: si Jose Rizal ginamit ang pen name na Dimas Alang (Dimasalang na ngayon), sa kanyang satire (ang sobrang kakatwang La Vision del Fray Rodriguez o The Vision of Fray Rodriguez o Ang Pangitain ni Fray Rodriguez), bilang pasumbalit sa atake ni Rodriguez sa Noli Me Tangere (Touch me Not o Huwag Mo Akong Salingin). Magkahalong gulat at halakhak ang bumalot sa akin ng una kong mabasa ang La Vision - hindi ko kasi alam na meron palang ganito si Rizal - ang kakarampot at paminsan-minsang pagsilip na kakenkoyan ni Rizal sa mga nobela niya'y umusbong at lumitaw ng buong-buo sa liwanag. Si St. Augustine ay inatasan ng Diyos mismo na ipagbigay alam kay Rodriguez na ang pari'y dapat magsulat ng kanyang ka-bobohan upang merong mapagtawanan ang mga tao! At dahil pa sa nabasa ko na rin dati pa ang Confessions ni Augustine ('kakatwa din ito, dahil nagawang isulat ni Augustine ang malambot at ayaw makisama n'yang tite bilang pilosopiya), ay lalong nagpasidhi ang aking pagtawa. Napaisip tuloy ako: may katotohan kaya ang sulat ni Ambeth Ocampo na naging parokyano ng prosti si Rizal sa paglalakbay nito sa Europa? Dahil kung si Augustine na halos isabuhay ang konsensiya niya sa pagbabate at pagkikipag-talik sa mga babae, si Rizal pa kaya na napaka-romantiko?
Tulad ni Rizal, binanatan din ni Dolores Manapat (ang alias ni Marcelo H. del Pilar) si Rodriguez sa satire na Dasalan at Tuksuhan. Parang Parokya ni Edgar ang dating (Chikinini na lyrics sa orihinal na Banal na Aso ng Yano), pinalitan ni Dolores ang lyrics sa mga iba't ibang dasal Katoliko. Nariyan ang Amain Namin ("Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit…"), Aba Guinoong Baria ("Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia…") at Ang Mga Utos Nang Fraile ("Ang mga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat…")
Pop Quiz: Spot the similarity
Mark Twain, Moliere, Pablo Neruda, The Brontes, Pauline Reage, George Orwell, Dr. Seuss, Voltaire, Tikbalang.
A. Pare-pareho silang manunulat.
B. Pseudonym.
C. All of the above.
D. Pangalan ba?
Kung A ang sagot mo puwede. Kung B, lalong puwede. At kung C nama'y SUPER-DUPER-PUWEDE! Kung D, aba kailangan mo munang sagutin ang isa pang katanungan bago ka maging semi-uber-puwede: kaninong pen name ang huling pangalan?
Habang kumakain ako sa isang restaurant, may narinig akong dalawang profesor daw, na nagpapataasan ng ihi. Mahaba-haba rin ang mga paksang pinag-talunan, hanggang dumating ang usapan kay Bob Ong:
Propesor Bangko: Did you know, na hindi talaga tao si Bob Ong?
Propesor Hangin: Uhuh, at di lang 'yan iba't iba pa ang nagsulat ng mga libro n'ya…
Anak ng tinapa. Parang dalawang batang nag-uunahang magsambit ng "Wala ka sa lolo ko." Saang planeta kaya naman nila nakalap ang mga ganitong balita? Ang totoo'y 'di gaya ni Xerex Xaviera na isinulat ng iba't ibang tao, si Bob Ong ay malamang hindi ginawa ng mga garapata, butiki, at tipaklong. Sa pakikinig sa dalawang mokong na 'yun, naalala ko tuloy ang sinabi ng master of reggae na si Bob Marley: "It's the feel. They know it, but they can't do it." Si Bob Ong ay mag-isa lamang dahil sa tuloy-tuloy na daloy ng kanyang panulat. (Basa: "Who ba is Bob Ong?" Contest ni Paolo Manalo. Ang nagwagi sa patimpalak ay nakuhang sabihing tao talaga si Bob Ong, ng di nag-sisiwalat ng ika-paparazzi n'ya). May mga ilang nabasa na rin akong blog na sa unang tingi'y Bob Ong ang paltik, ngunit pakiwari lang pala dahil sa huli ay lumalabas na anino lang pala. Iba kasi ang "feel." Ang "feel" ay kusang umuusbong sa mga pinagsama-samang karanasan at natural na pagkiling at pagkahilig natin bilang tao. Maaring kopyahin ang "feel", pero sa kalaunan lalabas din talaga ng natural na "feel" ng isang katha. Hindi naman masama mangopya ng estilo lalo na sa mga baguhan, dahil wala naman talagang taong hindi na-impluwensiyahan ng kasaysayan at nakaraan, pero na-obserbahan ko sa aking sariling panlasa na mas masarap basahin, tignan, pakinggan, ang isang bagay kung ang gumawa'y nakabuo na ng sariling "feel."
Isa sa mga kadahilan kung bakit isinulat ang unang librong ABNKKBSNPLA Ko?! (ABa NaKaKaBaSa Na PaLa 'Ko?!), ay upang mabigyan ng kahit na konting kaliwanagan ang mga katanungang "Sino nga ba si Bob Ong?" (at siyempre para mabigyan din ng pagkakataong mabasa si Bob Ong ng mga walang Internet). Samantalang ang pangalawang librong BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO? nama'y puwedeng magsilbing time travel sa mga dating bumibisita sa Bobong Pinoy at isa ring pagsilip sa mga ngayon pa lang nakarinig sa naturang site.
At gaya nga ng nakasaad na sa kanyang palad, water sign, at feng shui: si Bob Ong ay nagtuloy-tuloy sa pagsulat ng mga libro, at ngayo'y isa na sa mga pinaka-kilalang manunulat sa Pilipinas (lahat ng libro niya'y parang mainit na pandesal - mabenta).
Propesor Hangin: …waste of time…
Propesor Bangko: I agree. 'di literary…
Ang saya ng dalawang ito! Siguro'y kakosa nitong mga ito si Kant! Gumising, amuyin ang simoy ng kulturang pinoy, mga Vulcan! Spock 'kaw ba 'yan!? Nakinig ako sa mga sumunod na salitang kanilang binanggit, mga katagang sa libro lang lumabas, pero parang pilit at may pagka-robot ang dating, mga inimbentong salitang na kung 'di ko pa nabasa'y sila lang ang makakaintindi - anak ng pating, mga intelektwal nazi ang mga ito, mga elitista! Gusto ko sanang pumunta sa kinauupan nila at makipagdiskusyon, gusto ko sanang sabihin na huwag silang makikialam sa longganisa, dahil baka stainless ang mabili nila, pero nagdalawang-isip ako, baka mapabigkas kasi ako ng gaya ng nasabi ni Neil Gaiman ng inisnab ng kritikong si Harold Bloom si Stephen King - mga Twerp!
Propesor Bangko: I think he is in it for the money.
Propesor Hangin: Yeah, that, power and fame…
Halos malaglag ako sa kinauupan ko sa kakabungisngis. Kung may nakapansin sa 'kin di ko na alam. Ang alam ko lang dahil sa mga katagang ganun, lumabas din ang katotohanang hindi talaga nila binasa ang mga libro ni Bob Ong. Kung tutuusin wala naman talagang masamang mangailangan ng pera dahil kailangan natin ito para mabuhay, at 'di rin namang masamang mangarap na balang araw ay sisikat ka. Ang siste lang sa dalawang payasong ito eh, hindi man lamang nila nakuhang basahin ang kanilang hinuhusgahan. Para silang mga birheng nag-uusap tungkol sa sex.
Propesor Hangin: I wonder, how many of his stories are lies-
Propesor Bangko: - his anonymity makes him susceptible…
Hindi ko alam kung saang freezer natutulog ang mga Beavis at Buthead na ito. Pero kung ako lang ang tatanungin, wala naman sa pangalan ng manunulat ang katotohan ng kanyang sinasabi. Maraming may sikat na pangalan, pero salungat sa mga katotohan ang kanilang mga katha. Para sa 'kin, sa mga naisulat na ni Bob Ong, nakakamangha ang kanyang walang pagbubuhat ng bangkong paninilay-nilay sa buhay pinoy - habang binabasa ko s'ya, parang nananalamin ako, nakikita ko ang kaluluwa ko, nabuhay ng muli ang mga matatagal ng natutulog kong ala-ala (sino nga ba naman ang makakalimot sa Nutribun, Funny Komiks, Choose Your Own Adventure, at sangdamukal na nakaraang pag binangit ko dito'y aabutin ka ng isang araw para basahin - isang halimbawa na'y meron din kaming sari-sari store noon). Gaya nga ng nasabi ko na, ang komedya, gaya ng iba pang sining, ay nakatira sa bahay ng katotohan, na kung wala'y, hihipan ng mabalahibong hayop at liliparan, aanurin, babagsak ng parang straw ang dingding ng alinmang patawa. Hindi na rin kailangan pang malaman ang buong pagkatao ng isang manunulat upang makuha ang mensahe. Si Shakespeare hanggang ngayo'y pinagdedebatehan pa rin ang tunay na talambuhay, si Sappho nama'y sa mga tula lang natin makikilala. Ngunit sila at mga iba pang sa panulat na lang natin makakaharap, ay mga immortal - dahil ang kanilang mga katha'y nagsasalamin ng katotohang di na kayang gibain ng pagikot ng alinmang orasan.
Propesor Hangin: So simple -
Propesor Bangko: …simpleton is more like it…
Tumayo akong nakangiti. Naglakad palabas. Ang malinis na hangi'y malinaw, invisible, samantalang ang usok na nanggaling sa tambutso'y hindi. "Simplicity," sabi ni Leonardo da Vinci, "is the ultimate sophistication." At iyun, 'yun ang susi kung bakit sikat si Bob Ong ngayon. Ang kanyang saloobin ay umaalon sa napakasimple at napakalinaw na tubig na sa unang tingi'y invisible: na tayong mga Pilipino ay maaring tumawa sa mga trahedyang tayo rin naman ang gumawa.
TWISTED
"Don't look now," said my girlfriend(ex) Trish.
It's a Catch-22 statement, so I look - it's Jessica, THE Jessica Zafra.
"Why don't you go and say hi," she said.
"Nah," I said.
"Well, you should," she said.
Trish was (as always) right. Looking back, I should have. I was a big Jessica Zafra fan during that time (90s) and Trish knowing that, encouraged me: "hey there's no harm in at least saying hi."
"I'm not sure she would appreciate that," I said.
I had read Twisted, as well as the rest of her books, more times than I could remember. Yes, I am a fan. Amidst the 90s personalities I admired during that decade: Nirvana, Pearl Jam, Radiohead, Michael Jordan, Diego Maradona, Alan Moore, Scott Adams, Matt Groening, Tim Berners-Lee, Douglas Coupland, Nick Hornby, Wu-Tang Clan, Bone Thugs-N-Harmony, Bamboo Mañalac, Eraserheads, Yano, Parokya ni Edgar, Pol Medina and Bob Ong, she alone is the woman.
I used to digest everything she wrote, I let it sink, filling me with ironic angst afterwards. Her books were my respite, an ally, an oasis, in a warped country. I would go back to what she wrote, when mine paralleled to her writing. I consulted her books first before buying or watching movies. I listened to her radio gig, holding my breath whenever her witty, sardonic, or just plain twisted sentences blared at the stereo.
That's why I can't say hi to her then. She was to my mind during that decade, more than anything, more than a human - a goddess. The goddess, who will conquer and then rule the universe. And I, well, I'm just a mere human, an unworthy human at that (I once saw Imelda Marcos, and I don't know why, but I'm not awed, maybe it's because I am used to strong, tall women. But Jessica, well, nothing can compare to what I felt when I saw Jessica - it's as if a black hole sucked my strength, my feet felt like water - I was haunted by Anne Rice dreams for weeks.).
The passing years made her cadence, the flow of her words, so familiar, that reading the latest Twisted, I was amazed at how smooth my eyes glanced at the paragraphs, and how the last page turned before the lunch break was over. The angst still flew, but it didn't sink like before. Maybe it's because Kurt is dead; Trish and I broke up; Jordan retired at last; the Eraserheads went on their own separate ways; or maybe the goddess, well, maybe she became, at last, to my dreams, uhm, human? The woman who made the twisted world more twisted so that we can see how twisted it really is.
PUGAD BABOY
Grade school. Si SuperDog na ang pinakamalupit na aso sa balat ng lupa. Parang si Superman ang dating, tahimik, ngunit palihim na matikas pala. Sa mundo ng mga aso, s'ya ang bida. Gaya ni Darna na may parapernahila bago mag-transform, si SuperDog namay'y pinupukpok ang napakalaking buto sa ulo. Mas lalo pang tumindi ang paghanga ko kay SuperDog ng hinabol ako ng isang asong ulol, at muntik na kong makagat sa puwetan. Buti na nga lang at nakita ng ibang tao at naitaboy 'yung aso, at buti't short lang ang nahagilap, kundi'y kawawa naman ang mahal kong puwetan. Sa isip-isip ko noo'y parang si SuperDog na rin ang nagligtas sa 'king pwet.
Mag-iilang taon na nga rin ang lumipas, naglaho na ang serye ni Superdog, kasama ni Niknok, Combatron, Dax, atbp. Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung ba't itinigil, o kung bakit wala pa ring gumagawa ng The Return.
Sa pagkupas ng Funny Komiks, kala ko'y wala ng papalit pa sa kakulitan ni Superdog…. hanggang dumating mula sa kalawakan, bumagsak na parang bulalakaw…ang bagong Superdog… si Polgas. Gaya ni Superman, si Polgas ay nakihalubilo sa mga tao, at gaya ni Dogbert na likha ni Scott Adams, si Polgas ay mas madalas pang mas may-alam sa tao.
Pop Quiz:
Ang Clark Kent ay kay Superman, ang Volkswagen ay kay Bumblebee, ang Polgas nama'y kay
A. Superdog
B. Saint Dogbert
C. Dobermaxx
D. Wisedog
E. Parehong C at D
Kung E ang sagot mo, welcome, welcome sa Pugad Baboy.
Gaya rin ni Bob Ong, socio-political comedy ang Pugad Baboy. At kagaya din ni Bob Ong, mas nakakarami ang social kaysa political. Ang pangalang Pugad ay nanggaling mismo sa Pugad Lawin, ang lugar kung saan unang sumigaw ang ating mga ninuno ng "makibaka - ibagsak." Ang Baboy nama'y dahil may babuyan dati si Pol, at dahil na rin sa tabain ang kanilang angkan. Ang Pugad Baboy, nga pala ay totoo din lugar, sa may Bulacan, kung saan uso ang piggery.
Noong una kong masilayan sa Inquirer ang Pugad Baboy, ginupit at idinikit ko ito sa isang notebook. Nakasanayan ko na kasi noon ang magdikit sa mga sticker books, 'yung tipong bibili ka ng sticker para lamang mapuno iyong mga blanko sa libro. Nanghina ako ng sabihin sa akin ng kaibigan kong nawala n'ya ang notebook na aking pinahiram (hanggang ngayon 'di pa rin akong makapaniwalang nawala n'ya. tinago siguro). Kaya kahit papano'y natuwa na rin at nagkasya na lang sa mga lumabas na compilation ng Pugad Baboy.
Kung ika'y bagong salta, dayo, o nagkataong naligaw, napadpad sa Pugad, welcome, welcome, halina halina't sumasama sa saya. Ang pugad, sa Pugad na kung saan si Polgas ay naging si Sigmund Freud, Carlo J. Caparas, Nostradamus, Aquaman, atbp. Sa pag-iikot mo'y malamang makasalubong mo si Patrolman Durugas, ang friendly-friend kotong cop; si Hercules at ang pare niyang si Adre, mga OFW na nag-mumuni-muni sa Saudi; si Miss Nobastos, ang masungit na titser; Si Bab, ang madalas ng walang trabaho. Welcome, welcome sa Pugad Baboy.
Fade to Radioactive Sago's Baboy
jessica zafra wouldn't have appreciated that. my friend once had his book autographed by her. she merely wrote "this autograph is worthless." i just love her.
i love pugad baboy, too.
i love bob ong! specially the hudas book
Bob Ong's Stainless Longganisa's cover is hilarious (Jk Rowling's and Dan Brown's comments).
Nakaka-in love ka naman. Ang galing mong magsulat at mag-isip. Hehe!
>> Chris,
That's what so fascinating about Jessica , her Andy Warhol-like nonchalance.
>> Shelley,
sige, hintay kita.
>> Rona,
tungkol kay Kahlo, 'di naman talaga ako fan, pero nakakamangha talaga iyung iba n'yang painting. Ang pait ng kanyang karanasan ay makikita mo sa mga surreal n'yang katha.
blog leaping. i love your entries.
i love bob ong book, kung sino man siya at kung asan man siya, da best talaga siya. nakakatawang, nakakabusog. andaming mga bagay na sa kanyang libro ko lang nalaman (bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino?)
isang patunay na bobong pinoy ako >:)
bob ong oh bob ong .....
anu b itsura mu bob ong!!!
pnapahirap mu book report ko oh bob ong!!!!!!
hirap n hirap n ku!!!!!!
mgnda n sna libro mu!!
kaso ang hirap gawan ng book report!!!
May forum po for bob ong books--> bobongbooks.com naron po si bob ong, hulaan nyo na lang ang username nya. Sya nga po pala, may sixth book na po si Bob, ang Mc Arthur.
hayop sa lupet ang mga kakulitan ng mga taong ito... tao ba talaga si bob ong... o bob..oy? hehe pinaka gusto ko sa lahat yung ABNKKBSNPLako kase astig parang close friend ko sya at kinuwento niya mga nakaraan namin... at yung fav buk ni hudas,naks!
dati hanggang pugad baboy lang ako ngayon may bob ong na.
Fan din ho ako ni bob ong, at sumusulat din po ako ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan isulat,
http://agistar.blogspot.com
Bisitahin niyo naman po paminsan minsan, Hangganda po ng blog niyo.
Grabehh!! Galing tlaga ni bob ong.. Pinagmamalaki ko sya.. galing niang sumulat. lalo na ung libro ni hudas at bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino. nabasa ko na rin ung mac arthur.. ganda ng storya.
I'm undergoing a sort of existential dillema. I wish to write but i'm not sure if i'm good enough so i try to re-read my old books(mostly by irvine welsh and chuck pahllamiuk) then i saw this bob ong i got as a present last christmas and browsing through it led me to this page (feelingwise) and i noticed how other people write so well, think so well but how come they havent publiushed books (or maybe you have published books) and how come jessica zafra (someone who's almost as good as kurt)isn't published by international publishers like penguin or randomhouse or the sort? what do the publishers look for in a book?
Bob Ong books r very gud tlga!!!
promiz!ang gnda lalo n ung MACARTHUR . . . at Bkt blgtad mgbasa ang mga plipino . .ang sya bshin . . mga kalokohaan ,. . .ktatawanan . . da best !!!!. .
curious lng tlaga q . .cnu po b c Bob Ong???
Bob Ong is one of my favorite writers. I like his humor. Maybe because all of his jokes are true.
i enjoyed reading this article.
i would like to ask your permission if i can repost this article in my blog:
http://sonofpriam.blogspot.com
thanks
i like all your books...i therefore conclude that without your books...i may be dead now...i like the way you deliver yourself...i love writers especially you an jay panti...
bob ong magpakilala ka na kashi eh hirap n ako sa projek ko eh,,khit talambuhay lmang ,bgay mu na ha plss...............
hi.. i really like bob ong books.. im also a fan of bob ong.. ang tindi tlaga ng mga words of wisdom nia grabe
anu ba ang talambuhay ni...pol medina jr?????