Ikaw ba si Chona Mae Banaag? Nirepaso at pinagmuni-munihan ko ang mga katanungan sa aking email: May nagbanggit na ang paltik daw ng aking panulat ay kamukhang kamukha daw ng kay Chona. At kung ibabase sa magkakasunod na artikulong Atsay Killer at Coña ka Iha, walang duda na ako nga daw ang may katha. Kung ako nga daw ang nagsulat: Itinigil ko ba daw ang serye dahil sa mensaheng natanggap ko noon: It's amazing to find out kung gaano karami ang nauto mo Chona, how you make fun of katulongs and people look at them(sana you give them dignity also), how you made fun of the Filipino people. May ispageti pababa at pataas...talaga, ang Pilipino pababa ng pababa. No wonder ang Pilipinas ay nagkakaotso-otso because of how they amuse themselves of sorts like this...wish ko lang sana mabigyan ng konting class ang mga Filipinos. Meron din namang nagpaligoy-ligoy, nagpatumpik-tumpik, hanggang kumaliwa: Ano kaya kung ang mga kuro-kuro ay sagutin ko ng isa pa ring tanong? ...marahil malamang may mapakanta ng higit pa sa isang stanza:
{Chona in the City}
Huwag mo nang itanong sa akin
'di ko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
at di ko na iisipin...
Chona, Chona, Nasaan Ka
Posted in
My Life
Wednesday, March 01, 2006
Wednesday, March 01, 2006
4 comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sana bumalik na si chona.. yun lang..
hala ... sabi ko na nga ba... Chona please return...
the author of chona did not make fun of 'katulongs'. gusto lang niyang ipakita sa atin ang kalagayan ng mga katulong na ito - kung ano ang kanilang iniisip at nararamdaman. chona, para sa akin, okay ka.. "i hope you are come home soon to your sight. or is it still under construct?"
malufet!!!!!!!!!!miss na namin blogs mo chona!!!! come backs agen u na!